Pag-iisyu ng travel authority sa LSIs patungong Negros Occidental, Ilolilo itinigil na

June 28, 2020 - 10:04 PM

Itinigil na ng National Task Force Against the New Coronavirus Disease (NTF COVID-19) ang pag-iisyu ng travel authority sa mga local stranded individual na patungo ng Negros Occidental at Iloilo.

Ayon kay Defense Secretary at NTF COVID-19 Chairman Delfin Lorenzana, nagsimula ang suspension order sa araw ng Linggo, June 28.

Dalawang linggo aniya na tatagal ang suspension order.

Ayon kay Lorenzana, itinigil ang pagpapauwi sa mga LSI dahil sila ang nagiging carrier ng COVID-19 sa mga probinsya.

Bukod dito, sinabi ni Lorenzana na ang mga local government official na rin ang humirit na itigilang pagpaoauwi sa mga LSI.

TAGS: Inquirer News, local stranded individual, NTF COVID-19, Radyo Inquirer news, travel authority, Inquirer News, local stranded individual, NTF COVID-19, Radyo Inquirer news, travel authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.