Mga Pinoy abroad na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 8,433 – DFA

By Angellic Jordan June 28, 2020 - 05:04 PM

Nagkaroon ng bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 28, umakyat na sa 8,433 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 59 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,814 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nanatili naman sa 5,081 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, nasa 538 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,168 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 982 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 686 naman ang kaso sa Americas at 597 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

TAGS: COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, DFA, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, DFA, Inquirer News, latest news on COVID-19, overseas Filipinos affected by COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.