BREAKING: Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 35,455

By Angellic Jordan June 28, 2020 - 04:52 PM

Nadagdagan pa nang mahigit 600 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (June 28), umabot na sa 35,455 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 24,137 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 653 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 485 ang “fresh cases” habang 168 ang “late cases.”

Nasa 8 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,244 na.

Ayon pa sa DOH, 258 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 9,686 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases, COVID-19 deaths, COVID-19 Inquirer, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.