Pumanaw na noong Hunyo 26 sa edad 83 ang kilalang mang-aawit noong dekada ’70 hanggang ‘80 na si Boy Sullivan.
Si Sullivan, Pedro Santos sa tunay na buhay, ay itinuturing na isa sa mga alamat ng industriya ng musika sa bansa matapos simulan ang tinatawag na ‘novelty genre.’
Sa ilalim ng Vicor Music, inilabas ang unang album ni Sullivan noong 1972, kung saan kabilang ang kanyang ‘greatest hit of all time,’ ang ‘Haring Solomon (May Alagang Pagong).’
Nasundan ito agad ng dalawa pang album sa iisang taon at naging gold at platinum ito sa loob lamang ng ng ilang araw.
Bago siya naging solo artist, original member ng The Big 3 Sullivans si Boy kasama sina Apeng Daldal at Mar Lopez.
Ang mga novelty songs si Boy, kasama na ang Kikay, Itlog at Mani, Mang Gusting at iba pa, ay labis na kinagiliwan ng OFWs, lalo na ang mga nasa Saudi Arabia.
Anak niya ang singer/composer at musical director na si Charlie Fry na tumatak ngayon panahon ng pandemya dahil sa kanyang mga pandemic lockdown songs na ‘Oh Mayor, Quarantine at iba pa.
Ang mga labi ni Sullivan ay nakaburol sa San Sebastian Chapel sa Barangay San Sebastian sa Hagonoy, Bulacan at ang dadalhin siya sa kanyang huling hantungan sa darating na Martes, Hunyo 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.