Pagpapatupad ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty, kasado na

Kasado na ang pagpapatupad ng programa ng gobyerno na Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) para sa iba’t ibang lalawigan sa Gitnang Luzon o Region III.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, ito ay matapos maselyuhan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa pamamagitan ng MOU, ang mga magsasaka ang magsusuplay ng pagkain sa mga bilangguan.

“Sa ilalim ng EPAHP, nilalayon naming makipagtuwang sa maraming mga ahensya na magbibigay tulong sa mga organisasyon na nakabase sa komunidad at mga lokal na magsasaka, hindi lamang sa pamamagitan ng mga koneksyon sa merkado, ngunit nagbibigay rin ng pag-access sa iba’t ibang mga programa at aktibidad ng mga pambansang ahensya na nakatuon upang maisagawa sa ilalim ng pakikipagtulungan,” pahayag ni Nograles.

Base sa survey ng 4th quarter Social Weather Station noong 2019, 8.8 porsyento ng mga pamilya, o 2.1 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger ng isang beses sa nakaraang tatlong buwan kumpara sa 9.1% o 2.3 milyong pamilya noong Setyembre 2019.

Read more...