Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 10 milyon
Sumampa na sa mahigit 10 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 10,082,615 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 2,596,537 cases.
Sumunod na rito ang Brazil na may 1,315,941 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 627,646 naman ang kaso sa Russia habang 529,577 ang napaulat na kaso sa India.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 310,250
– Spain – 295,549
– Peru – 275,989
– Chile – 267,766
– Italy – 240,136
– Iran – 220,180
– Mexico – 212,802
– Pakistan – 198,883
– Turkey – 195,883
– Germany – 194,689
– Saudi Arabia – 178,504
– France – 162,936
– Bangladesh – 133,978
– South Africa – 131,800
– Canada – 103,032
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 501,309 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 5,458,523 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.