Umakyat na sa 297 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Batangas.
Sa update hanggang 4:00, Sabado ng hapon (June 27), 75 ang naka-confine pa sa mga ospital.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga sumusunod na lugar:
Balayan – 3
Batangas City – 1
Bauan – 2
San Pascual – 2
Sto. Tomas City – 1
Nasa 192 naman ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa Batangas.
Napaulat ang mga bagong gumaling na residente sa mga sumusunod na lugar:
Batangas City – 1
Bauan – 1
Malvar – 1
Nasugbu – 1
30 naman ang nasawi bunsod pa rin ng naturang pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.