Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 497,000 na

Pumalo na sa mahigit 497,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 497,067 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 127,640.

Sumunod na rito ang Brazil na may 56,109 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 43,414 naman ang death toll sa United Kingdom habang 34,708 ang napaulat na nasawi sa Italy.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 29,778
– Spain – 28,338
– Mexico – 25,779
– India – 15,700
– Iran – 10,239
– Belgium – 9,731
– Germany – 9,026
– Peru – 8,939
– Russia – 8,781
– Canada – 8,508
– Netherlands – 6,103
– Sweden – 5,280
– Chile – 5,068
– Turkey – 5,065
– China – 4,634
– Ecuador – 4,406
– Pakistan – 4,035
– Colombia – 2,811
– Indonesia – 2,683
– Egypt – 2,620

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 9,912,637 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 5,362,598 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...