Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Sabado ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 27 kilometers Northwest ng Sarangani bandang 11:35 ng umaga.
19 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na pinsala sa naturang bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.