Extreme localized community quarantine sa bahagi ng Brgy. Sucat sa Muntinlupa, pinalawig
Pinalawig ang pinaiiral na extreme localized community quarantine sa bahagi ng Zone 3 Interior, Sitio Pagkakaisa sa Barangay Sucat sa Muntinlupa City.
Sa inilabas na executive order no. 23, ito ay bunsod pa rin ng nakakabahalang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.
Inirekomenda ito ng City Health Office matapos lumabas na 29 sa 130 na isinagawang PCR tests ay nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, pinalawig ang ELCQ hanggang 11:59 ng gabi ng July 3.
Matatandaang unang ipinatupad ang 14 araw na lockdown hanggang 11:59 ng gabi ng June 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.