Mga balon sa Kidapawan City natututuyo na, pagra-rasyon ng tubig inunpisahan na

El Niño gripo
Inquirer file photo

Nagsimula nang mag-supply ng tubig sa mga tahanan sa Kidapawan City ang lokal na pamahalaan makaraang matuyo pati na ang mga balon sa lugar.

Sinabi ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na hindi nila inakalang magiging ganito ang sitwasyon sa lungsod kung saan hindi lamang ang irrigation system kundi pati ang mga poso ay halos matuyo na sa tubig.

Sa kasalukuyan ay limitado lamang sa 25-liters ng potable water sa bawat tahanan ang kayang irasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council government dahil sa kakapusan ng source ng malinis na tubig.

Pati ang pinakamalaking pinagkukunan ng maiinom na tubig na Metro Kidapawan Water District ay nagbawas na rin ng kanilang operasyon dahil sa epekto ng El Niño sa lugar.

Nauna dito ay naireport na rin ang kakapusan ng supply ng maiinom na tubig maging sa iba pang mga bayan sa North Cotabato.

Read more...