Pagsakay sa mga lumang dyip mapanganib – DOTr

By Erwin Aguilon June 26, 2020 - 08:25 PM

Inquirer File Photo

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa panganib na dulot ng pagsakay sa mga luma at tradisyunal na jeepneys .

Ayon sa kay Transport Assistant Secretary for Communications Goddes Hope Libiran, batay sa datos ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis system ng Metro Manila Development Authority (MMDA) madalas na nasasangkot sa mga aksidente ang mga pampasaherong jeepneys dahil sa luma na ang karamihan dito.

Sa datos anya ng MMDA, mula 2016 hanggang 2019 nakapagtala ng may 33,230 na damage to property, pagkamatay-130, non-fatal injury-6,777 at sa kabuuan ay umabot ito sa 40,137 ang kinakasangkutan ng mga pampasaheromg dyip.

Sa pag-aaral din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), dahil sa malakas na usok na ibinubuga ng mga lumang jeepneys ay parang pumapatay na rin ito.

Dahil sa air pollution skills na mahigit sa 80% na air pollution sa Metro Manila ay mula sa hindi pinag aralan na emission ng mga motor vehicles sa metropolis.

Sinabi pa ni Libiran, na ngayong ay dapat malakas ang immune system ng mga tao at ang air pollution ay nakapapagpahina nito.

Giit ni Libiran ilang taon na nakikipaglaban ang mga environmentalist para sa pagsupil sa polusyon sa hangin at sa tatlong buwan ng COVID ay bigla itong naglaho dahil sa hindi pumapasada ang mga jeepneys.

Sabi ni Libiran, “Ang pinag-uusapan nila ngayon, wala kaming puso. Wala kaming awa. For the record, Ginagawa lang namin ang tama. Hindi mo maitatama ang isang mali ng isa pang mali. Ang sinasabi nilang solusyon sa problema ay ang pagbabalik nila sa kalsada. Ito ay solusyong magdudulot lalo ng problema”.

Sinabi rin nito na walang katotohanan na nakisabay sila sa PUV modernization program sa covid-19 pandemic bagkus ay nauna pa nga anya sila dahil ito ay noong taong 2017 pa.

Mayroon sabi ni Libiran na tatlong taong transition period na ibinigay ang ahensya at pinalawig pa nga hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.

Nilinaw din nito na alinsunod sa hierarchy of transportation ay papayagan na sa susunod na linggo ang mga traditional dyip pero kailangan ito at roadworthy.

TAGS: dotr, Jeep, lumang jeep, mmda, Transport Assistant Secretary for Communication Goddes Hope Libiran, dotr, Jeep, lumang jeep, mmda, Transport Assistant Secretary for Communication Goddes Hope Libiran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.