WATCH: Barko ng Philippine Coast Guard muling bumiyahe para maghatid ng mga pulis sa Cebu at LSI sa Mindanao

Dumating na sa Cebu City ang mahigit 100 miyembro ng PNP-SAF.

Lulan sila ng BRP Gabriela Silang nang dumating sa pantalan sa Cebu.

Ang mga tauhan ng PNP-SAF ay dagdag pwersa sa Cebu City para mahigpit na maipatupad ang enhanced community quarantine.

Mula Cebu, nagpatuloy sa paglalayag ang BRP Gabriela Silang para ihatid naman ang mga LSI patungong Mindanao.

Narito ang ulat ni Erwin Aguilon:

Read more...