AFP magbibigay seguridad sa mga kandidato sa mga pupunta sa NPA-infested areas

By Ruel Perez February 22, 2016 - 03:28 PM

npa
Inquirer file photo

Pinawi ng militar ang takot ng mga kandidato sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos ang ginawa ng mga ito na pananambang sa tropa ng Philippine National Police Public Safety Batallion sa Baggao Cagayan noong nakaraang linggo.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman BGen. Restituto Padilla, titiyakin nila sa Comelec ang seguridad ng mga kandidato lalo na ang mga tutungo sa mga lugar na may presensya ng mga rebelde.

Ang ginawa anyang pananambang ng NPA sa mga pulis ay pagpapahiwatig lamang na kaya nilang atakehin ang mga alagad ng batas.

Gayunpaman, sinabi ni Padilla na hindi dapat matakot dito ang mga kandidato at huwag na huwag magbabayad ng permit to campaign sa NPA.

Dapat lamang anyang makipagtulungan ang mga kandidato sa pulisya at militar kapag mangangampanya sa lugar na may presensya ng NPA upang mabigyan ng karampatang seguridad.

TAGS: AFP, Baggao Cagayan, NPA, PNP, AFP, Baggao Cagayan, NPA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.