Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Nagpaabot ng pakikidalamhati ang Palasyo ng Malakanyang sa pagpanaw ni dating Senador Ramon Revilla Sr.

Sa kaniyang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay si Presidential spokesperson Harry Roque sa pamilya Revilla.

Ayon kay Roque, si dating Senador Revilla na kilala rin bilang “Hari ng Agimat” ay haligi sa industriya ng pelikula bago ang kaniyang pagpasok sa pulitika.

Nang mahalal na senador, siya ay kinilala bilang Father of the Public Works Act dahil siya ang author ng Republic Act 8150 o ang Public Works and Highways Infrastructure Program Act of 1995.

“We share the grief of the Revilla clan, and as tributes pour to honor the life and legacy of this respected movie icon and public servant, we pray that the Almighty grant Mr. Revilla eternal repose,” ayon kay Roque

 

 

Read more...