3 sa 6 na bagong kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley pawang umuwing OFWs galing Saudi Arabia

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2020 - 07:05 PM

Nakapagtala ng anim (6) na bagong kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley Region.

Ayon sa Cagayan Provincial Public Information Office tatlo sa bagong kaso ay pawang umuwing OFW.

Si patient CV62 ay isang 49-anyos na OFW sa Saudi Arabia.

Ayon sa Regional Epidemiology ang Surveillance Unit dumating sa Cordon Isabela noong May 27, 2020 ang OFW at sumailalim sa quarantine.

Nagpositibo ito sa swab test kaya dinala ito ng OWWA sa isang ospital sa Isabela.

Si patient CV63 naman ay isang 24 anyos na babaeng OFW mula rin sa Saudi Arabia at residente ng Cauayan City.

Dumating ito sa bansa noong June 15 at umuwi sa Cauayan City noong June 19.

Asymptomatic ang pasyente at ngayon ay nasa pasilidad ng Cauayan City.

Si patient CV64 naman isang 27 anyos na lalaking OFW na galing din sa Saudi Arabia at residente ng San Mateo, Isabela.

Dumating ito sa Pilipinas noong June 15 at umuwi sa Isabela noong June 19.

Pang-apat sa bagong mga kaso (patient CV65) ay isang 54 anyos na babae mula Santiago City na may travel history sa Tondo, Manila.

Si patient CV66 naman ay 25 anyos na babae mula sa Santiago City at may travel history sa Meycauayan, Bulacan.

Si patient CV67 ay 53 anyos na lalaki mula rin sa Santiago City na mayroong travel history sa Silang, Cavite.

Dahil sa anim na bagong kaso, umabot na sa 67 ang kabuuuang confirmed cases ng COVID-19 sa Region 2.

 

 

TAGS: Cagayan Valley Region, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repariation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Cagayan Valley Region, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repariation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.