Bagong quarantine passes ipamamahagi sa Cebu City
Inanunsyo ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang pag-iisyu ng bagong quarantine passes sa 80 barangays sa lungsod.
Ito ay matapos na i-recall ang mga quarantine pass na naunang inisyu ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Labella, sa ilalabas na bagong quarantine passes, isang tao lamang kada bahay ang papayagan na lumabas ng kanilang bahay para bumili ng pagkain, gamot at iba pang essential items.
Ayon kay Labella, pinulong na nina DENR Sec. Roy Cimatu, at Visayas Deputy Chief Implementer Mel Feliciano ang lahat ng kapitan ng barangay sa lungsod.
May mga itinakdang araw ng paggamit sa quarantine passes na dedepende sa numero sa QR code.
Ang mga mayroong odd-numbered QR codes ay pwedeng lumabas ng Lunes, Miyerkules at Biyernes habang kapag even numbers naman ay Martes, Huwebes at Sabado.
Alas 6:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi lamang ang oras ng paglabas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.