Madonna nasa bansa na, mahigpit na seguridad para sa Queen of Pop

By Den Macaranas February 22, 2016 - 03:23 PM

Madonna
Promo photo

Tiniyak ng mga organizers ng “Rebel Heart” tour na magiging memorable para sa Pinoy ang dalawang gabing concert ng Queen of Pop na si Madonna.

Kabilang sa mga aasahan ay ang kanyang makulay na pagtatanghal sa entablado kung saan mahigit sa 1,000 wardrobes at 500 mga sapatos ang pagpipilian sa kanyang mga isusuot para sa 2-day concert na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa February 24 hanggang 25.

Bago mag alas-dos ng madaling-araw kanina ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang chartered Boeing 752 plane na sinasakyan ng pop star.

Sa loob na ng eroplano tinatakan ang passport ni Madonna Louise Ciconne na siyang tunay na pangalan ni Madonna.

Hindi na rin dumaan sa normal customs and immigration procedure pati na sa quarantine ang singer at kaagad siyang inilipat sa isang kotse na sinundan naman ng mahabang convoy ng mga sasakyan palabas ng NAIA.

Pati ang mga airport officials at immigration personnel ay pinagbawalang kumuha ng larawan ni Madonna.

Ang tickets sa concert ay nagkakahalaga ng P57,750 (VIP); P52,500 (Patron VIP); P52,000 (VIP Floor); P42,000 (Patron); P33,600 (Lower Box VIP); and P29,400 (Lower Box); P8,400 (Upper Box); P3,150 (Gen Admission).

 

TAGS: Madonna, Mall of Asia, Rebel Heart, Madonna, Mall of Asia, Rebel Heart

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.