Itbayat, Batanes niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 29 kilometers northeast ng bayan ng Itbayat alas-4:04 ng hapon ng Biyernes (June 26).

May lalim na 13 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...