Mga menor de edad nahuling naglalaro ng skateboard sa Cainta
By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2020 - 04:58 PM
Nahuli ang mga menor de edad sa Club Manila East Road sa Taytay, Rizal na naglalaro ng skateboard.
Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, sa ilalim ng general enhanced community quarantine ay bawal ang ginawa nilang skateboarding.
Hindi pa dn pinapayagan ang paglabas ng bahay ng mga edad 21 pababa.
Dahil pawang menor de edad, pinagsabihan lamang sila at kinumpiska ang kanilang mga skateboard bilang parusa sa ginawang paglabag sa GCQ guidelines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.