Halos 400 na Pinoy mula Sabah darating ng Tawi-Tawi sa July 6
Sa July 6 ay mayroong halos 400 na Pinoy mula sa Sabah ang darating sa Tawi-Tawi.
Ayon ito sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF)-Bureau of External Relations.
Mula Malaysia, dadalhin sila sa Zamboanga City by batch bago umuwi ng Tawi-Tawi.
Ayon sa NCMF mayroong 5,300 na Pinoy na stranded sa Sabah.
Nagpulong na ngayong ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao-Ministry of Social Service and Development, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine Red Cross Tawi-Tawi, at NCMF offices sa Tawi-Tawi para talakayin ang pagpapauwi sa stranded na mga Pinoy.
Una nang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagpapauwi sa mga Pinoy ay gagawing 400 kada batch.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.