Ilang lalawigan sa Southern at Central Luzon uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2020 - 03:01 PM

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Southern at Central Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 2:09 ng hapon ng Biyernes, June 26, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Cavite, Batangas, Nueva Ecija, at Pampanga.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa San Felipe, San Marcelino at Cabangan sa Zambales; at sa Mayantoc, San Jose, at Santa Ignacia sa Tarlac.

Pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa low lying areas na maging alerto sa posibleng pagbaha.

 

 

TAGS: Pagasa, thunderstorm advisory, weather, Pagasa, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.