“Pagpapasabog sa mga transmission tower, maaring may kinalaman sa eleksyon”-Marcos
Nagdududa na si Vice Presidential Candidate Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa sunod-sunod na insidente ng pagpapasabog sa mga power transmission na posibleng may kinalaman ito sa paparating na eleksyon.
Ang pinakabagong insidente ng pagpapasabog ang dalawang transmission towers ng wind farms sa Ilocos Norte.
Ang nagpapalalim pa ng duda at pagkabalahala ni Marcos ay kung bakit ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) lamang ang tanging nagbibigay ng alarma na posibleng makakaapekto sa paparating na eleksyon.
“I don’t want to speculate but I could not help but suspect because no less than the National Grid Corporation of the Philippines had raised the alarm over the escalation of incidents and its relation to the upcoming elections. So I am extremely worried,” giit ni Marcos.
Una nang sinabi ni Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng NGCP, nababahala sila na posibleng magkaroon ng epekto sa eleksyon ang patuloy na pagpapasabog sa mga transmission lines.
Dagdag pa ni Marcos na dapat nagbibigay ng periodical report ang tinatag na Inter-Agency Task Force na siyang mangangalaga sa mga transmission towers, kung ano ang ginawa ng kanilang miyembro para matigil ang pagbobomba.
Dapat din umano nito inuulat kung ano na ang kondisyon ng mga nasirang tower at kung ang mga ito ba ay naayos na.
Nagtatanong pa si Marcos kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin nakakasuhan sa nasabing pagpapasabog o naaresto man lamang sa mga may kinalaman sa pag-atake sa mga transmission lines.
Batay sa record ng ngcp, noong nakalipas na 2015, 16 na transmission towers na ang pinasabog sa Mindanao, kabilang sa probinsya ng Maguindanao, North Cotabato at Lanao del Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.