Unfair labor practices ng mga BPO pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc sa Kamara

Nais ng MAKABAYAN bloc sa Kamara na imbestigahan ang sinasabing pang-aabuso ng ilang BPO companies sa ‘work-from-home arrangements’ at mga ipinatutupad na ‘unfair labor practices’.

Sa House Resolution 997 nais ng Makabayan bloc na silipin ang pagbawas sa sweldo at allowance ng mga naka-work from home at pagpapasan sa mga empleyado ng ilang mga bayarin na dapat sana ay kumpanya ang sumasagot.

Nakarating ang mga reklamo mula sa mga BPO employees na sila ang gumagastos para sa internet subscription at kuryente na ginagamit sa pagtatrabaho.

Bukod sa pagpasa sa mga empleyado ng mga bayarin na dapat ay kumpanya ang sumasagot ay tinapyasan din ang kanilang mga sahod.

Tinukoy sa survey results ng BPO Industry Employees Network (BIEN) na sa bawat limang empleyado na naka-work-from-home, apat sa mga ito ang nagbabayad ng kanilang internet na ginagamit sa trabaho habang dalawa sa limang WFH employees ang binawasan naman ang sweldo.

 

 

Excerpt:

Read more...