3-year tax moratorium, dapat ibigay sa mga OFWs mula Saudi-Tolentino

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2016 - 12:42 PM

Francis TolentinoHindi lang pansamantalang tulong ang dapat na ibigay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaapektuhan ng problema sa Saudi Arabia at mapapauwi sa bansa.

Ayon kay dating MMDA Chairman at senatorial candidate Francis Tolentino, pangmatagalang tulong ang dapat na ilaan ng pamahalaan sa mga OFWs na mawawalan ng trabaho.

Mungkahi ni Tolentino, ang mga OFWs na uuwi sa bansa at makakapagnegosyo ay dapat bigyan ng tatlong taon na tax moratorium.

Sa ganitong paraan sinabi ni Tolentino na makakaahon o makakabawi ang mga OFWs na nawalan ng trabaho sa ibayong dagat.

“Ang babalik na OFW tapos papasok sa negosyo dapat bigyan siya ng 3-year tax moratorium, hindi pwedeng tanggap lang tayo ng tanggap ng remittances nila,” ayon kay Tolentino.

Sinabi ni Tolentino na matagal na panahon din namang pinakinabangan ng pamahalaan ang remittances ng mga OFWs kaya dapat ay pagkalooban sila ng pangmatagalang tulong.

Una nang nanawagan si Tolentino sa gobyerno na habang maaga ay maglatag na ng mga pamamaraan para matulungan ang mga OFWs na mawawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.

TAGS: tax moratorium for OFWs, tax moratorium for OFWs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.