Duty allowance sa mga empleyado ng gobyerno na nakatalaga sa COVID-19 mega swabbing facilities, inaprubahan ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng duty allowance of government personnel deployed to COVID-19 mega swabbing facilities.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 31 ang national government agencies (NGAs) at government-owned or -controlled corporations (GOCCs) ay pinaglaaan ng allowance na hindi lalagpas sa P500 kada araw para sa mga empleyado ng gobyerno na itinalaga sa ega swabbing facilities.

May dagdag din na 25% pa sa kanilang monthly basic salary depende sa bilang ng araw ng kanilang pag-duty.

Kung ang empleyado ng gobyerno ay tumatanggap na ng Hazard Pay, kabilang ang COVID-19 Hazard Pay o ahalintulad na benepisyo ay maari pa rin siyang tumanggap ng COVID-19 duty allowance.

 

 

 

Read more...