Licensure exams na nakatakda mula June hanggang August sa susunod na taon na gagawin ayon sa PRC
Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pagpapaliban sa mga licensure examinations na nakatakda dapat mula ngayong Hunyo hanggang Agosot.
Ayon sa abiso ng PRC, gagawin na lamang ang mga nasabing pagsusulit sa susunod na taon.
Ito ay dahil pa din sa problema sa pandemic ng COVID-19.
Kabilang sa suspendido ang licensure examinations para sa sumusunod:
Environmental Planners
Guidance Counselors
Interior Designers
Landscape Architects
Mining Engineers
Nutritionists-Dietitians
Psychologists
Psychometricians
Social Workers
Veterinarians
Master Plumbers
Mechanical Engineers and Certified Plant Mechanics
Medical Technologists
Occupational Therapists
Physical Therapists
Sanitary Engineers
Ang bagong petsa para sa pagsusulit ay iaanunsyo na lamang ng PRC sa kanilang website at official social media accounts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.