Panamanian boxing legend na si Roberto Duran nagpositibo sa COVID-19

Naospital ang Panamanian boxing legend na si Roberto “Hands of Stone” Duran dahil sa COVID-19.

Maliban sa sipon ay wala namang ibang sintomas na naranasan ang boxer.

Sa post sa Instagram ng anak ni Duran na si Robin Duran, sinabi nitong positibo ang resulta ng COVID-19 test ng kaniyang ama.

Ang 69 anyos na si Duran ay six-time boxing world champion.

Sa kaniyang ilang dekada sa boxing career mayroon siyang record na 103 wins at 16 losses.

 

 

Read more...