COVID-19 response ng pamahalaan sa Iloilo apektado ng madalas na brownouts
Apektado na ng madalas na brownouts sa Iloilo City ang response efforts ng gobyerno laban sa COVID-19.
Ito ang dahilan kung bakit pinaiimbestigahan ni AKO BISAYA Partylist Rep. Sonny Lagon ang Kongreso ang status ng electric distribution sa Iloilo City na lubha nang nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga residente.
Ayon may Lagon, nagpapahirap pa sa kalagayan ng mga Ilonggo ang browouts ngayong may pandemya.
Base sa House Resolution 785 ng kongresista, hiniling nito magsagawa bg pagsisiwyasat ang Kamara sa sitwasyon ng kuryente sa lugar.
Nakapagpabagal rin anya ito para sa pagsasagawa ng COVID-19 testing Iloilo City.
Nauna nang sinabi ni Western Visayas Medical Center Chief Pathologist Dr. Stephanie Abello, tuwing mawawalan ng kuryente ay kinakailangan nilang mag-manual work na bukod sa nakakaubos sa oras ay napupurnada rin ang kanilang ginagawang testing sa mga laboratoryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.