Pacquiao sa fans: “Huwag magtanim ng galit”

PACMANUmapela si Filipino boxing icon at Sarangani Representative Manny Pacquiao sa kaniyang fans at mga kaibigan na huwag magalit bagkus ay magdasal sa gitna ng kontrobersya na dulot ng pahayag niya ukol sa same sex marriage.

Ito ang apela ni Pacquiao kasunod ng panawagan ng kaniyang fans na magsunog ng mga produkto ng Nike.

“Maraming nagsunog ng Nike. Sabi ko, ‘wag kayo magtanim ng galit. Instead, pray for them. ‘Wag ‘yung anger pairalin niyo sa puso niyo. Instead, as christian, love them,” apela ni Pacquiao.

Nag-viral ang video ng ilang supporters ni Pacquiao na nagsusunog ng nike shoes matapos tanggalin ng kumpanya ang ugnayan nito sa pambasang kamao.

Samantala, nag-break muna sa pagsasanay si Pacquiao para sa ikatlong laban nito kay Timothy Bradley sa April 9, petsa sa Amerika.

Kahapon araw ng Linggo ay kasamang nagsimba ni Pacquiao ang misis na si Jinkee at mga anak na babae na sina Princess at Queenie.

Ayon kay Pacquiao, kumukuha siya ng lakas mula sa Diyos sa gitna ng kinakaharap niyang kontrobersya.

Una na nitong sinabi na hindi siya nababahala sa banta ng diskwalipikasyon mula sa pagtakbo bilang senador dahil sa isyu na magaganap ang laban kay Bradley sa panahon ng kampanya.

Read more...