Global cases ng COVID-19 mahigit 9.6 million na

By Dona Dominguez-Cargullo June 26, 2020 - 08:30 AM

Umakyat na sa mahigit 9.6 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 9,698,301 na ang global cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, mayroong mahigit 490,916 na ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 5.2 million ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3.9 million pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 57,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 175,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 5,000 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.