Maynila mayroon nang sariling testing laboratory para sa COVID-19

Naisyuhan na ng license to operate ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 testing laboratory sa Sta. Ana Hospital sa Maynila.

Ayon kay Dr. Grace Padilla, director ng Sta. Ana Hospital naibigay na ng DOH license to operate kaya maari nang magamit ang testing laboratory.

Ito ay makaraang makatugon ang Sta. Ana Hospital sa mga requirements ng DOH.

Sa sandaling maging operational kaya ng laboratoryo na makapagproseso ng 200 swab tests kada araw.

 

 

Read more...