Mga kumpanya ng langis may mahigit pisong dagdag sa presyo bukas
By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2016 - 11:47 AM
Magpapatupad ng mahigit pisong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes.
Unang nag-abiso ang kumpanyang Shell na epektibo alas 6:00 ng umaga bukas ay magpapatupad ng dagdag na P1.30 sa kada litro ng Diesel at Kerosene at P0.95 namamn sa kada litro ng gasolina.
Inaasahang ngayong maghapon ay mag-aanunsyo din ng dagdag presyo ang iba pang kumpanya ng langis.
Noong nakaraang linggo nagpatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga oil companies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.