Biyahe ng MRT-3 naantala dahil sa problema sa suplay ng kuryente

Hindi nakapagsimula sa tamang oras ang biyahe ang Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa problema sa suplay ng kuryente.

Ayon sa abiso ng DOTr MRT-3, na-delay ang simula ng biyahe ng mga tren.

Naapektuhan kasi ang suplay ng kuryente sa MRT-3 bunsod ng nangyaring power failure sa Diliman at Balintawak kagabi.

Ayon sa MRT-3 agad silang nakipag-ugnayan sa Meralco para agad maibalik ang suplay ng kuryente.

Pansamantala, ang mga pasahero ng MRT-3 ay pinasakay muna sa bus augmentation.

Mayroon na ring naka-standby na 16 na CKD train sets sa depot at mainline para agad makabiyahe kapag bumalik na ang suplay ng kuryente.

Alas 7:31 naman ng umaga nang makabalik na sa normal na operasyon ang MRT-3.

 

 

 

Read more...