Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City, 748 na

Nadagdagan pa ng 27 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa inilabas na update hanggang Huwebes ng gabi (June 25), kabuuang 748 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Naitala ang mga bagong kaso sa mga barangay Bagumbayan, Central Signal, Fort Bonifacio, Lower Bicutan, North Daang Hari, Pinagsama, Palingon, Sta Ana, Ususan at Western Bicutan

Pinakaraming naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa bahagi ng Barangay Fort Bonifacio na may 84 cases.

Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 22
– Bambang – 14
– Calzada – 28
– Hagonoy – 10
– Ibayo-Tipas – 27
– Ligid-Tipas – 20
– Lower Bicutan – 77
– New Lower Bicutan – 30
– Napindan – 4
– Palingon – 2
– San Miguel – 16
– Sta. Ana – 20
– Tuktukan – 15
– Ususan – 46
– Wawa – 12
– Central Bicutan – 18
– Central Signal – 17
– Katuparan – 6
– Maharlika Village – 16
– North Daang Hari – 43
– North Signal – 12
– Pinagsama – 51
– South Daang Hari – 28
– South Signal – 23
– Tanyag – 7
– Upper Bicutan – 42
– Western Bicutan – 58

Samantala, 3,753 ang itinuturing na suspected cases sa nasabing lungsod.

Nasa 142 pa ring residente ang gumaling na sa nakakahawang sakit habang 21 pa rin ang pumanaw na.

 

 

Read more...