Southern Luzon, Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ
Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang weather system na umiiral sa bansa ngayong araw at apektado nito ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA, malaking bahagi ng bansa ang makararanas ng maulap na kalangitan ngayong araw na may pag-ulan.
Dahil sa ITCZ, ang Bicol Region, MIMAROPA, buong Visayas at buong Mindanao ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na 3 hanggang 5 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.