Bilang ng nasawi sa Cebu City dahil sa COVID-19 nadagdagan ng 19 pa

Nakapagtala ng 19 na panibagong nasawi sa Cebu City dahil sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng Cebu City Health Department, ang 19 na nadagdag na nasawi ay mula noong May 14, 2020 hanggang June 20, 2020.

May ilang datos na late naiulat dahil sa late na paglabas ng swab test result ng mga pumanaw.

Nakapagtala din ng 70 panibagong kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

Sa kabuuan, umabot na sa 4,607 ang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

2,321 dito ay naka-recover na habang mayroon pang 2,167 na aktibong kaso.

 

 

 

Read more...