Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 179 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, ala-1:49 madaling araw ng Biyernes (June 26).

May lalim na 94 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...