Mayantoc, Tarlac niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Tarlac.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 26 kilometers southeast ng Mayantoc alas 2:53 ng madaling araw ng Biyernes, June 26.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at 14 kilometers ang lalim.

Naitala ang Intensity II sa Bamban at Capas, Tarlac; at sa Mabalacat City, Pampanga.

Habang naitala naman ang sumusunod na Instrumental Intensities:

Intensity II – Palayan City at Cabanatuan City, Nueva Ecija
Intensity I – Magalang, Pampanga; Gapan City, Nueva Ecija

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

 

 

 

Read more...