Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Huwebes, June 24) , nadagdagan ng 3 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 439 habang 197 ang active cases.
Nadagdagan ng 1 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 78.
Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 685 kung saan nakapagtala ng 29 na bagong kaso.
Samantala, nasa 141 ang bilang ng probable habang nasa 619 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES