Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, 579 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (June 25), 579 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

674 pulis ang itinuturing na probable cases habang 937 ang suspected cases.

Nakapagtala naman ng isa pang pulis na gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, umakyat na sa 317 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa siyam na pulis naman ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...