10,000 piraso ng washable face masks, nai-turnover na sa 30 barangay sa Maynila

By Angellic Jordan June 25, 2020 - 07:33 PM

Nai-turn over na ng Manila City government ang 10,000 piraso ng washable face masks sa iba’t ibang distrito sa lungsod.

Ayon sa Manila Public Information Office, nai-turnover ang face masks sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) Manila sa 30 barangay.

“Patuloy po ang pagpapatupad ng ating mga Barangay officials sa ating mga protocols, tulad ng pag-enforce ng paggamit ng face masks sa public places, pagpapatupad ng curfew at physical distancing,” pahayag ni Manila Barangay Bureau (MBB) Director Romy Bagay.

Nagparating din ng pasasalamat si bagay sa PESO at kay Moreno para sa nasabing inisyatibo.

“Matutulungan po nito ang bawat Manileño, lalo na po ang mga nahihirapang maghanap ng mabibilhan ng face masks,” dagdag pa nito.

TAGS: COVID-19 Inquirer, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, PESO Manila, Radyo Inquirer news, washable face masks, COVID-19 Inquirer, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, PESO Manila, Radyo Inquirer news, washable face masks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.