Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 2,226
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (June 25, 3:00 PM) nakapagtala ng 100 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,226 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 538
Laguna – 658
Batangas – 279
Rizal – 600
Quezon – 151
Nasa 1,182 na ang bilang ng mga naka-recover kung saan nakapagtala ng 86 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 194
Laguna – 395
Batangas – 184
Rizal – 289
Quezon – 120
Nadagdagan ng apat ang COVID-19 related deaths sa rehiyon kaya ito ay pumalo na sa 188.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 36
Laguna – 41
Batangas – 30
Rizal – 71
Quezon – 10
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.