Isa pang residente sa Baguio City, nagpositibo sa COVID-19
Nakapagtala ng panibagong kaso ng Coronavirus disease (COVID-19) case sa Baguio City, araw ng Huwebes (June 25).
Ayon sa Baguio City Public Information Office, sinabi ng City Health Services Offices na ang lalaking pasyente ay may edad 67 at residente ng Barangay Hillside.
Dadaan sana ang pasyente sa cataract operation kung kaya sumailalim sa swab noong June 22.
Requirement na kasi ang pagsasagawa ng swab test bago ang nasabing operasyon.
Sinabi naman ng Baguio City PIO na nagsasagawa na ng contact tracing, quarantine, disinfection at kinakailangang medical protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.