Bilang ng ridership sa apat na rail lines, umabot sa 2.7-M

Umabot sa mahigit 2.7 milyon ang bilang ng ridership ng apat na rail lines, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) noong June 1.

Sa datos ng DOTr, nasa 2,799,025 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.

Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang 21.

Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines:
LRT-1 – 1,397,546
LRT-2 – 398,212
MRT-3 – 822,928
PNR – 180,339

Tuloy na ang operasyon ng mga nabanggit na rail lines sa ilalim ng partial, gradual at calibrated approach na may limitadong kapasidad, social distancing at sanitary measures.

Read more...