1 patay, mahigit 30 sugatan sa pagsabog sa peryahan sa Sultan Kudarat

By Dona Dominguez-Cargullo, Ruel Perez February 22, 2016 - 10:33 AM

esperanza sultan kudaratPatay ang anim na taong gulang na bata at sugatan ang mahigit 30 iba pa sa pagsabog na naganap kagabi sa isang peryahan sa bayan ng Esperanza sa Sultan Kudarat.

Kinilala ang nasawi na si John Alfon Antonio na nagtamo ng mga tama ng shrapnel sa kaniyang ulo at katawan, habang sa datos ng Philippine Red Cross nasa 34 ang sugatan at isinugod sa iba’t ibang pagamutan.

Ayon kay Chief Inspector Bryan Bernardino ng Esperanza police station, nagsasaya sa peryahan ang mga tao nang biglang may maghagis ng granada.

Naaresto naman ang isa sa mga suspek habang pinaghahanap ang dalawang iba pa.

Ayon sa mga nakasaksi, ang tatlo ay sakay ng motorsiklo nang dumating sa mataong peryahan malapit sa town hall ng Esperanza.

Naghanap umano ng kani-kaniyang pwesto ang tatlo at saka inihagis ang MK-2 grenades.

Nakuha ng mga otoridad ang tatlong safety pin ng granada sa lugar. Dalawa lamang sa mga ito ang sumabog.

Labingwalo sa mga nasugatan ay dinala sa Sultan Kudarat Province Hospital, Pinggoy Hospital sa South Cotabato, at sa Tamondong Memorial Hospital and Clinic, Inc.

Inaalam pa kung anong grupo kasapi ang mga suspek.

TAGS: 1 dead more than 30 persons injured in a grenade explosion in Esperanza Sultan Kudarat, 1 dead more than 30 persons injured in a grenade explosion in Esperanza Sultan Kudarat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.