Karagdagang benepisyo para sa mga senior citizen, aprubado na sa komite ng kamara
Lusot na sa Special Committee ng Senior Citizens ang dalawang panukala para sa dagdag na benepisyo ng mga matatanda sa bansa.
Sa ilalim ng ipinasang substitute bill na layong amyendahan ang Republic Act 9994 o An Act Granting Additional Benefits and Privileges to Senior Citizens, tatanggap na ng P1,000 na buwanang pension ang mga indigent senior citizen mula sa kasalukuyang P500.
Sakop din ng panukala ang lahat ng senior citizens kahit pa nakatatangap na rin sila ng pension mula sa SSS or GSIS.
Aprubado na rin ng komite ang substitute bill para naman amyendahan ang Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016 kung saan nakasaad na ang mga senior citizen na makakaabot sa edad na 100 years old ay mabibigyan ng P100,000 na cash gift.
Sa oras na maging ganap na batas, ang senior citizen na hahantong sa edad na 80, 85, 90 at 95 taong gulang ay makatatanggap ng cash gift na P25,000.
Ang P25,000 na cash gift na ito ay hiwalay pa sa P100,000 na cash gift sa kanilang 100th birthday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.