PUV modernization hindi makamayaman ayon sa DOTr

Binigyang-diin ng Department of Transportation (DOTr) na hindi para sa mga mayayaman ang PUV modernization program ng pamahalaan.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Communication Goddess Hope Libiran, para sa mga commuter ang PUVMP upang magkaroon ng ligtas at maayos na paglalakbay.

Ilang dekada na aniya itong napabayaan at ang pinag-uusapan dito ay ang bulok na sistema.

Paliwanag pa ni Libiran, hindi parang kabute lang ang PUV modernization program, dahil ilang administrasyon na ang nagtakang magpatupad nito subalit sa tuwing may mga grupo na nagsasabing ito ay anti-poor ay inaatras ito ng gobyerno.

Ngayong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte aniya ay nabigyan ng opisyal na hudyat ang pagsisimula ng PUV moderniaation noong Hunyo 2017 kung saan napirmahan din ang Omnibus Franchising Guidelines na siyang nagtatakda ng mga kinakailangang pagbabago sa road public transport system kasama na ang rationalization ng mga ruta, pagkakaroon ng local public transport plan ng mga LGU.

Gayundin ang pagbabagong kinakailangang ipatupad sa mga PUV unit na dapat ay electric o euro-4 ang emission, may cct, may automatic fare collection, maluwag na espasyon, senior citizen at PWD friendly, may GPRS at iba pa.

Nabigyan din ng tatlong transition period ang mga operator para ma-consolidate bilang kooperatiba o korporasyon para magkaroon ng proper fleet management at magkaroon ng modernized unit na napalawig pa hanggang sa Disyembre.

Ang nais din umano nila ay mabigyan ang mga driver ng sweldo at may fixed na oras ng pagamaneho para mapangalagaan din ang kanilang kalusugan at mabigyan sila ng benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.

Read more...