Isang pulis patay, 3 sugatan sa engkwentro sa Albay
Nasawi ang isang pulis makaraang maka-engkwentro ang ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Jovellar, Albay Province araw ng Miyerkules (June 24).
Ayon sa Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO), sa ulat ng Police Regional Office 5 (Bicol Region), kinilala ang nasawing pulis na si Patrolman Emerson Belmonte, miyembro ng 1st Albay Provincial Mobile Force Company.
Sugatan naman ang tatlo pang pulis na sina PCpl Marlon Beltran, Pat Roy Resurrection at Pat John Mark Paz.
Batay sa mga ulat, nagsasagawa ang mga otoridad ng major internal security operation sa bahagi ng Barangay San Isidro nang biglang umatake ang mga rebelde.
Tumagal ang palitan ng putok ng baril sa pagitan ng dalawang panig nang 15 minuto.
Nagparating naman ng pakikiramay si PNP Chief General Archie Gamboa sa naiwang pamilya ni Belmonte.
Tiniyak din nito ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ni Belmonte.
Ipinag-utos din nito kay PRO 5 Regional Director, Police Brig. Gen. Anthony Alcañeses na mag-abot ng financial at medical assistance sa tatlong sugatang pulis.
“We honor the service of PNP’s modern day heroes by ensuring that their families are taken cared of. The surviving kin of Patrolman Belmonte will receive P250,000.00 from the President’s Social Fund; between P141,000.00 up to P181,000.00 as Special Financial Assistance (SFA) from the PNP; burial benefits worth P50,000.00; and P200,000.00 gratuity from the National Police Commission,” ani Gamboa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.