Halos 100 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore

Halos 100 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 113 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (June 25).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are five cases in the community, of whom one is a Singaporeans and four are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 42,736 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...